This will be my first time in making a post in Filipino…
Ito ang unang beses kong mag post sa wikang Pilipino.. wahahahaha
Noong huling araw ng Pebrero nagyaya ang lahat sa opisina na magkainan.
Noong una ayokong pang sumama sapagkat pauwi na ako noong. Alas-9 na kasi.
Ngunit pinilit talaga ako ni Bobby… (nagmaakaawa actually) nyahahaa~
Bumaba na kami kasi kami na lang ang natira…
Nilakbay (talagang tagalog eh noh) namin ang Emerald Avenue patungo sa kanto (di ko alam kung sang kanto yun… basta yung kalye na Megamall ang dulo.
Tapos dun kami nagkatagpo ng lahat:
Jessie, Jackie, Estre, Eve, Tess, Myra, Jaime, Ralph, Sherwin, Celina, Brian, Benedict, Lannie, Reynan, Manuel, Leah, at Claren… Humabol na lang si Ryuji kasi bilang nawawala.. hinatid pa ni Sir Randy…
At sumunod na lamang kami ni Bob sa kanila.
a walk to remember
Di ko alam kung san pupunta at napadpad na lang kami sa metro walk… …Mula Jolibee Plaza, Metro Walk din pala ang bagsak.. hah. At yung kumain na lamang kami sa barbecuehan…
asan na yung BBQ T_T
kampaiii!!!~~!!
Dami ko nakain dyan grabe.. dami din nman kasi pagkain… May pork curry, pork adobo, yang bbq, lechong manok… at sandamakmak na kanin..
Pagkatapos nyan nagtungo (tagalog pa rin talaga eh no) kami pabalik sa opisina ngunit tumigil kami sa baba ng building para antayin yung iba.. at yan… nagkayayaan na sa atchie’s…
Si bob nawawala….
Hinayaan na lang nila na wala si Bob inaakalang umuwi na or something… Kaya iniwan na lang namin siya…
Tinext ko pa rin siya at nagbabakasakaling makasama…
Paputang atchie’s syempre di ko alam papunta.. kaya follow the leader na naman at kung saan saan kami nagpasikot sikot sa likod lang pala ng McDo sa El Pueblo square Pasig City, sa may TGIF…
Di talaga ako umiinom pero sige na nga… haha Naka isang bote lang ako nung gabing yun… San Mig Light pa.. wahahaha sumasama naman kasi ang tiyan ko kapag umiinom ako ng alcoholic drink.. hehe
model ng san mig light.. si ralph haha..
Eto.. talo kayo lahat.. san kayo nakakita ng taong takot sa bote ng SAN MIG LIGHT??
you know who you are.. ang parating naka uniform ng Infomatics sa dotPH.. XD
Lumipat kami ng pwesto na malapit sa banda… At tinawagan ko na mismo si Bob para malaman kung nasan siya at papuntahin din… Kung di nga dahil sa kanya di ako makakasama kaya tinawagan ko talaga siya..
The band was okay… maingay lang masyado… they play acoustic hip-hop and pop… May special guest pa.. si Andrew E. este si Michael V. este Mitch name nya.. hehe pish tayo~
He’s quite good… His voice soars but lacks the power.. ^^,
At yun… for their second set… dance party na.. at first walang nagsasayaw.. pero nung tumayo na at pumunta sa gitna si Sir Brian.. hala nagsunuran na lahat.. nahila pa ako.. hahhaa nung una ayoko pero sige na nga sayang naman pinunta ko dun… haha
Ganda nga nung kuha eh.. naging techno kasi may nag flaflash na lights tapos may laser pa at iba’t ibang kulay na light… I really love my phone nyahahaa!~
si ralph at si bob pagkatapos magsayawan haha.. sweet nila no? JOKE~!
Around 2am bumalik na kami sa office para kunin ang mga gamit namin at umuwi na. At syempre hindi matatapos ang araw/gabi ng walang casualty… I remember her drinking vodka ata yun and a shot of tequilla.. kala ko kaya nya eh… di pala… itatago natin siya sa pangalang Lenah.. since wala naman daw nakakakilala sa kanya.. kaya oki lang daw ilagay ko pic nya dito.. kung sino ang talagang nakakakilala sa kanya manahimik na lang kayo.. baka patayin nya ako.. heehee..
pish tayo~~~
At dun natapos ang kasiyahan…
Sana nasiyahan kayo sa pagbasa ng blog ko.. hahahh babalik Ingles na ulet ako.. wahahha
Comments naman dyan.. nywaheheehe~